Tuesday, December 10Multi-awarded Filipina blogger, ocial media specialist, publicist and content creator
Shadow

Joey De Leon, Vic Sotto react to Willie Revillame’s decision to have the live feed of President Cory’s cortege removed

I just knew that it would only take a matter of time before Joey de Leon, one of the hosts in the GMA 7 noontime show “Eat Bulaga,” gives his (violent) reaction on the controversial decision of Willie Revillame to have the live feed of President Cory Aquino’s cortege from La Salle Greenhills to Manila Cathedral removed. The cortege was aired simultaneously with Revillame’s noontime show “Wowowee” aired via ABS CBN Channel 2.

We all know that Joey and Willie aren’t exactly “good friends” so I guess this “parinig” that he made, along with co-host Vic Sotto, is but expected of Joey de Leon. Check out the video below.

Notable line — “ang baboy, kahit pagsuotin mo pa yan ng ginto, baboy pa rin”

OUCH.

Related Images:

PLEASE SUPPORT BY SHARING:

5 Comments

  • che

    simple lang pero tumama!!! wag ka kasing bastos willie! ang yabang mo! akala mo kung sino ka na! wala kang respito!pwede mo naman sabihin yon ng maayos na di na kailangan malaman pa ng buong mundo..bat kailangan bulgar pa.dont be mayabang! tama nga naman si joey, waht if ikaw yong nandon sa kabaong??? matutuwa ka kaya???

  • tiki

    Tama naman ginawa ni willie… iba talaga naramdaman namin numg e flash sa gilid ng screen ung funeral service habang gumigiling nga dancers sa wowowee… sagwa tingnan… yung reaction sa gma hosts… always naman sila inggit sa kabila… always naman nagpaparinig ung ibang host dyan… wala ng bago sakanila… nakaka offend yung words na ginamit ng host.. halatang inggit kay willie…

  • Oy0t

    WOWOWEE!!!
    Mga isang taon na rin akong nanonood ng Wowowee at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit masyado naging popular si Willie Revillame sa ganung wala naman akong nakikita sa kabuuan ng kanyang talento para sumikat siya ng ganuong ka sikat sa mga tao. Nakuha ni Willie ang simpatiya ng masa sa mala palengkero niyang pagho host ng Wowowee. Para din siyang nagpapalaro ng karera ng daga sa peryahan. Lugar na maingay, masaya at pwede ka pang manalo ng malaking pera.

    Wow nakakapag pasaya si Willie! pero, bukod dun nambaboy at nambabastos din siya ng mga taong sumasali sa Wowowee. Mga taong kaya nanduon ay sa pagbabakasakaling manalo ng mga papremyo na kahit papaano ay maaaring makatulong sa kanilang pangangailangan. Iyan si Willie Revillame.

    Maging sina Pokwang, Valerie, Mariel, ASF dancers at iba pa eh hindi mo din naman masisisi na hindi magpakita ng ibayong pagmamahal kay Willie at dahil ito ang boss nila. Natural lang na lahat sila ay dapat sumaludo sa kanya kung mahal nila ang kani kanilang mga tungkulin sa Wowowee.

    Ano pa bang talento ang meron si Willie bukod sa nabanggit ko sa itaas ng sulat na ito. Wala na! Sa kabutihan ng pagkatao eh wala na din naman akong makita. Pero si Willie himself ay naniniwala sa kanyang sarili na siya ay isang napakagaling na tao. Hindi ba nakakatawa ito?

    Sa mga galaw niya makikita ninyo na bilib na bilib si Willie sa kanyang sarili. Mag host lang naman ng Wowowee ang alam niya at wala ng iba! Kaya din naman ito patakbuhin ni Pokwang ng wala siya. Pero bakit hindi nangyayari yun? Bakit parang diyos si Willie kung umasta sa telebisyon? Bakit parang ultimo ABS-CBN ay saludo sa kanya? Paano nangyari yun? Maari din stockholder na siya ng network.

    Eto na! Meron pa yatang balak tumakbo itong si Willie ng pagka bise- presidente ng ating bansa. Dun ko nakita na malaki na yata talaga ang diprensiya sa utak niyang siWillie. Tanong ko uli, ano bang talento o magandang pagkatao ang meron yang si Willie para hangaring niya ang maging bise-presidente ng ating bansa? Masasabi ko na talagang “gago” ang mga pilipino pag si itong si Willie ay naupong isang kawan para maglingkod sa bayan.

    Hindi daw siya magnanakaw, sa halip ay magbibigay! Kung uuriin mong mabuti ang kanyang mga sinabi, ito ay isang typical na salita ng isang politiko. Punung puno ng panunuhol at kasinungalingan! Hindi magnanakaw, sa halip magbibigay.

    Si Willie ay isang nilalang na mas mataas sa pangkaraniwan tao ang hangad sa buhay. Mapaghangad siya ng mga bagay na karaniwang pag aari ng isang mayaman. Mga bagay na maari lamang makamtan ng isang pangkaraniwang tao kung ito ay kanyang nanakawin. Katulad ng magkaroon ng sari saring sasakyan, gusali yate o eroplano. Ito ba ang taong dapat nating pagkatiwalaan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!