Monday, November 18Multi-awarded Filipina blogger, ocial media specialist, publicist and content creator
Shadow

Kilalanin si Ana Shell

May isang pangalan na kailangan ninyong kilalanin. Ana Shell.

Kung maaalala ninyo, ibinahagi ko sa inyo kamakailan lamang ang tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng clean, reliable and most importantly, low cost electricity dito sa Pilipinas via gasification technology at kasama ang tulong ng isang kumpanyang naka-base sa Singapore na socially conscious at science driven – ang NRGLab Pte. Ltd.

Naibahagi ko sa inyo na ang NRGLab (www.nrglab.asia) ay may kakayanan sa pag-generate ng elektrisidad gamit ang mga bago at modified na teknolohiya. Gamit ang mga environmentally friendly na generators, nagkakaroon ng kapasidad ang NRGLab na i-process ang uling, natural na ga-as, rice husks at maging APG at gawin into fuel.

Hindi ba’t kay galing ng posibilidad na ito? Ngayon, kilalanin ang isang maganda at bata na visionary na nasa likod ng NRGLab – si Ana Shell.

Ana-shell

Mula 2007, nakapag-invest na si Ana sa iba’t-ibang mga proyekto na makakatulong sa Inang Kalikasan. Isa siyang matagumpay na investor sa mga proyekto na may kinalaman sa power of crystal growth technology. Ginawa na ring personal na commitment ni Ana ang pag-i-invest sa iba’t-ibang mga proyekto na nakakapag-produce ng malinis at murang elektrisidad. Isa nga sa mga proyekto niya ngayon ay ang coal and agricultural waste gasification at conversion of gas into cheap diesel fuel . Ito ay tunay na magandang proyekto na sa aking palagay ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng gobyerno natin dito sa Pilipinas.

Si Ana Shell ay nakapag-patent din ng maayos na paraan upang mapaunlad ang produksyon ng mga gas turbines hanggang 75 percent. Ang magiging resulta nito ay mas maiging produksyon ng mura at malinis na elektrisidad. Tinawag niyang Gas Turbine Engine System with Water Recycling Feature ang patent ng kanyang bagong proyekto.

Kahit na mukhang matitindi’t seryoso ang mga proyekto ni Ana, hindi ibig sabihin nito na wala na siyang oras upang makapag-“kick back and relax.” Si Ana ay mahilig din sa digital audio processing at siya’y nakapag-finance na rin ng mga proyekto. Kabilang dito ang kanta ng gawa ni Brandon Stone (http://www.youtube.com/watch?v=VcAVZILp9Ko) at bu Troy Harley “Someone Like Me” (http://www.youtube.com/watch?v=7g8qBdzxskA). Kumakanta din si Ana Shell at kung titingnan ang kanyang YouTube channel, marami ang humahanga sa kanyang mga ginawang kanta. Isa sa mga ito ang “Killers” (http://www.youtube.com/watch?v=2EDMwZ7rDPo) kung saan may lyrics na tulad ng “Killers who are, every day, slowly and quietly feeding off of the environment.”

Kilalanin pa lalo si Ana Shell dito sa kanyang opisyal na website: www.anashell.com

Sundin din si Ana Shell sa mga social networks na ito:

https://www.facebook.com/ana0shell/info
http://soundcloud.com/anashell
http://instagram.com/anashell
http://flickr.com/anashell
http://twitter.com/anashell
http://anashell.com/

Related Images:

PLEASE SUPPORT BY SHARING:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!