Tuesday, January 14Multi-awarded Filipina blogger, ocial media specialist, publicist and content creator
Shadow

Malinis at murang elektrisidad sa Pilipinas? Posible!

Mataas at matayog ang aking respeto para sa mga tao at organisasyong sumusulong ng mga alternatibong pinagkukunan ng enerhiya para sa malinis at mapagkakatiwalaang produksyon ng “electrical power.” Sa kasalukuyan, umaasa lamang tayo sa mga hydropower plants. May mga electric cooperatives naman na gumagamit ng solar panels upang ipandagdag sa kanilang pinagkukunan ng enerhiya (tulad na lamang ng CEPALCO na makikita sa Cagayan de Oro – mayroon silang solar panel area). Mayroon ding wind farm sa Ilocos Norte na nagngangalang Bangui Wind Farm.

Ngunit paano naman ang produksyon ng elektrisidad na hindi nagdudulot ng problema sa Inang Kalikasan? Posible ba ang murang elektrisidad na dulot ng mga alternatibong energy technologies?

Ang sagot – gasification! Ang gasification ay isang proseso kung saan ay ikinoconvert ang organic o mga produktong may carbon at ginagawang synthetic gas or syngas. Ang syngas ang ginagamit upang makagawa ng elektrisidad. Ako mismo ay interesado sa ganitong bagay dahil marami tayong mga solid waste areas sa buong Pilipinas at itong gasification ay isang magandang proseso upang magkaroon ang ating mga komunidad ng dagdag na enerhiya.

At ang maganda pa rito – mas malinis na alternatibo ang dulot ng gasification kung ikukumpara sa incineration o pagniningas.

At dahil wala halos nailalabas na di kanais-nais na by-product ang gasification technology, ito ay talagang mabuti para sa Inang Kalikasan.

Mabuti na lamang at mayroon nang isang kumpanya dito sa Asya na ang tanging layunin ay ang pagbibigay daan upang magkaroon tayo ng mura at malinis na elektrisidad. Ito ay ang NRGLab Pte. Ltd. na naka-base sa Singapore. Layunin ng NRGLab Pte. Ltd. na makapagbigay ng abot-kayang generators na maayos, mapagkakatiwalaan at mabuti para sa Inang Kalikasan. Gumagamit ang NRGLab ng mga bago at state-of-the-art na mga teknolohiya upang mag-proseso ng natural na ga-as, uling, rice husk at maging APG at gawing fuel ang mga ito. Ang magiging resulta? Mas mababang presyo ng elektrisidad at mas malinis pa kung ikumpara sa ibang mga teknolohiya.

Sa aking opinyon, nararapat lamang na tingnan natin ito nang maigi at tuklasin natin kung anu-ano pang mga mabubuting bagay ang maidudulot ng NRGLab Gasification Program. Sana’y matingnan din ito ng ating gubyerno, mga mambabatas at NGOs.

nrg-lab

NRGLab Company: www.nrglab.asia

NRGLab’s Gasification Project: http://nrglab.asia/projects/gasificationprogram.html

The Fund of entrepreneurs-inventors: www.anashell.com

Viscoil Holdings: www.viscoil.com

NRGLab’s YouTube Channel: http://www.youtube.com/NRGLABSGD

Related Images:

PLEASE SUPPORT BY SHARING:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!